Kampo ni VP Robredo hiniling sa PET na si BBM ang pagbayarin para sa kustodiya ng VCMS sa kanyang poll protest
Naghain ang kampo ni Vice -President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal ng urgent motion and manifestation para hilinging atasan si dating Senador Bongbong Marcos na bayaran ang dalawang bilyong piso halaga para sa retention o kustodiya ng COMELEC sa vote counting machines kaugnay sa kanyang electoral protest.
Ayon sa abogado ni Robredo na si Romulo Macalintal, ito ay bunsod ng iba-ibang mga mosyon ni Marcos sa PET na akuin ng COMELEC ang kustodiya ng mga VCMS.
Batay aniya sa manifestation ng COMELEC, tinatayang 2.08 billion pesos ang kailangan nitong gastahin dahil sa poll protest ni Marcos.
Katwiran ni Macalintal, unfair na sa pera ng taumbayan kunin ang pambayad nasabing halaga para sa protesta ni Marcos.
Paliwanag pa ng abogado na ang kanilang mosyon ay consistent sa ruling ng Senate Electoral Tribunal sa protesta ni dating MMDA Chair fFancis Tolentino laban kay Senador Leila de Lima.
Aniya sa nasabing ruling ng SET, inatasan nito si Tolentino na magbayad ng dalawang milyong piso para sa retention ng COMELEC ng 106 VCMS na sangkot sa kanyang electoral protest.
Sa kaso aniya ni Tolentino, walang public funds ang ginamit para sa retention ng VCM kaya dapat sa protesta ni Marcos ay wala rin ni kahit isang sentimo ng pondo ng bayan ang magasta.
Ulat ni: Moira Encina