Kani-kaniyang 2021 population protection goals, nalampasan na ng Maynila at Quezon City
Patuloy na palalawakin ng Maynila at Quezon City, ang kanilang Covid-19 vaccination programs kahit nalampasan na nila ang kani-kaniyang goals para sa population protection ngayong 2021.
Hanggang nitong bisperas ng bagong taon (Dec. 31), ang Quezon City ay nakapagbigay na ng 4,304,040 doses na kinapapalooban ng una, ikalawa at booster doses.
Sa 2,075,379 kabuuang bilang ng fully vaccinated ay 2,046,000 ang adults habang 193, 756 naman ang menor-de-edad na 12-17 taong gulang.
Una nang tinarget ng lungsod ang 1.7 million adults.
Sinimulan ng Quezon City ang kanilang vaccination campaign noong Marso na mahigpit na sinunod ang schedule, upang maiwasan ang overcrowding sa vaccination sites at matiyak na maipatutupad ang health at safety protocols.
Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, na ngayong naabot na ng lungsod ang target na bilang magtatalaga naman sila ngayong 2022 ng venues para sa walk-ins.
Aniya . . . “But at the moment kahit officially walang walk-ins, we still accomodate walk-ins but those who have bookings are prioritized over them.”
Sa Maynila naman ay kailangan ng preregistration pero lahat ng vaccination sites ay nasa first come, first served basis dahil sa mga insidente ng overcrowding na winalang bahala na ang physical distancing.
Tinatanggap din ng lungsod kahit ang hindi residente ng Maynila at patuloy nila itong gagawin hanggang ngayong 2022.
Hanggang noong December 30, ang lungsod ay nakapagbakuna na ng 3,033,574 doses kung saan 1,484,879 dito ay fully vaccinated na, mas mataas kaysa 1.2 million goal.
Ang minors na edad 12-17 na fully vaccinated na ay 103,422 habang 114,168 booster shots naman ang naiturok na.
Ang bansa ay naghahanda naman ngayon para sa pagbabakuna ng mga kabataang edad 5-11, gamit ang mas mababang doses ng Pfizer vaccine.