Kanlurang bahagi ng bansa, bahagyang uulanin ngayong Linggo dahil sa Habagat
Southwest Monsoon o Habagat ang nakakaapekto sa Kanlurang bahagi ng bansa ngayong Linggo.
Ayon sa PAGASA, maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat ang iiral sa Mimaropa, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula.
Pinag-iingat ang mga residente sa posibleng flash floods at landslide kung may malakas na pag-ulan.
Bahagyang maulap na papawirin naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Magiging banayad naman ang mga pag-alon sa karagatan kaya malaya ang mga mangingisda na pumalaot bagaman pinag-iingat kung mayroong thunderstorms.
Please follow and like us: