Kapag nasemplang sa motor ….
Mga kapitbahay, just in case na isa din po kayo o isa sa pamilya ninyo ang nasemplang sa motor, ito po ang paalala ni Dr. Rylan Flores, Orthopedic Surgeon, mula sa text message ng isa nating kapitbahay sa ating programa.
Sabi ni Doc Rylan, we consider our delivery riders as frontliners, lalo na nga sa kasagsagan noon ng pandemya.
At dahil nakamotorsiklo habang ginagampanan ang kanilang trabaho sa publiko, dumarating ang sitwasyon na may naaksidente.
Minsan talaga ay hindi maiiwasan na mangyari ang aksidente.
Sa pagsemplang (tumilapon, tumaob) sa motorsiklo.
Kapag ganito, kahit sabihin pang wala namang nararamdamang masakit sa katawan, ipatingin na rin sa duktor.
Minsan after na sumemplang, ilang araw walang sakit, pero, makalipas ang isang linggo doon nararamdaman ang sakit.
Unang-una, hindi ibig sabihin kapag naaksidente at walang naramdaman at walang problema sa buto ay wala ng problema.
Maraming soft tissues na kinakailangang matingnan, at posibleng may iba pang problema.
Pangalawa, naaksidente kaya kailangang ipahinga muna o magpahinga muna.
Kapag hindi ipinahinga at ang ginawa ay nagtuloy lang sa pagbiyahe o pagtatrabaho, baka ang mangyari niyan ay mas matagal ang magiging paggaling.
Maaaring ang sasabihin ng iba, bakit kakailanganin ko pa na magpaduktor wala namang problema o okay naman ako.
Habang ang iba, ang sasabihin ay kapag pumunta sa duktor, mas maraming problema pa ang sasabihin dahil kung
ano-ano ang madidiskubre.
Pangatlo, wala kong pambayad sa duktor kaya hindi na lang magpapagamot.
Sa mga ganito ang pangangatuwiran sabi ni Dok, bakit hindi pumunta sa health center?
Marami namang health centers, magtanong lang po at baka nasa likod lang ng bahay ninyo o malapit lang sa inyong barangay.
Libre po ang magpatingin sa mga health center.
Ngayon, sakaling kailanganin ang x-ray o kailangan ang ultrasound, may mga government hospital na maaaring makatulong sa inyo.
Banggit pa ni Dok na kapag hinayaan o pinabayaan lang natin ang sakit o kirot, malamang na lumala ang kundsiyon at mas hindi makabalik sa trabaho agad.
Samantala, mga kapitbahay, ibinahagi ko ang paalalang ito dahil alam kong may mga abay tayo na ganito rin ang kanilang karanasan.
So, until next time po!