Kapalaran ng impeachment complaints laban kay VP Sara malalaman sa huling araw ngayon ng sesyon sa kamara

Courtesy: congress.gov.ph
Matapos mabinbin ng mahigit isang buwan sa Office of the Secretary General ng House of Representatives’ Office of the Speaker, malalaman na ngayong araw ang magiging kapalaran ng tatlong impeachment complaints na inihain laban sa pangalawang pangulo.
Nagpatawag ng majority group caucus si House Speaker Martin Romualdez upang pag-usapan ang mga administrative agenda ng patapos nang 19th congress.
Ang unang impeachment complaint laban s apangalawang pangulo ay inihain sa Office of the Secretary General noong December 2, 2024 ng civil society group na inindorso ng Makabayan block ng kamara, na nakabatay sa mga impeachable offenses na nakasaad sa Saligang Batas na culpable violation of the constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust at high crimes.
Ang ikalawang impeachment laban sa bise presidente, ay inihain sa kamara noong December 4, 2024 ng grupong Bayan Muna kasama ang civil society group na nakabatay lamang sa impeachable offense na betrayal of public trust.
Ang ikatlong impeachment complaint laban kay VP Sara ay inihain sa kamara noong December 20, 2024 dalawang araw matapos ang holiday season break ng sesyon ng kongreso noong December 18, 2024 ng grupo ng mga abogado at civil society group na nakabatay sa mga impeachable offenses na culpable violation of the constitution, betrayal of public trust, bribery kasama ang hindi impeachable offense na malversation of public funds.
Ang sesyon ng kongreso ay muling magbabalik sa Hunyo, matapos ang May 2025 Midterm elections para sa Sine Die Adjournment o opisyal na pagsasara ng 19th congress.
Vic Somintac