Kapatid ng namatay na “middleman” sa Percy Lapid case, isinailalim sa witness protection program
Kinumpirma ni Justice Secretary Crispin Remulla na isinailalim na sa witness protection program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang kapatid ng sinasabing “middleman” sa kaso ng pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Sinabi ni Remulla na inilipat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa DOJ ang pangangalaga sa kapatid na babae ng preso sa Bilibid na si Jun Villamor na namatay noong October 18 sa New Bilibid Prisons.
Una nang inihayag ng kalihim na isa hanggang tatlong indibiduwal na kaugnay sa kaso ang inilagay sa WPP.
Ayon sa DOJ, sinuri ng WPP ang testimonya ng babae at nadetermina na ito ay sapat para ito bigyan ng proteksyon ng kagawaran.
Moira Encina