Karagdagang 188,370 Pfizer COVID vaccines mula sa COVAX facility, dumating sa bansa
Umaabot na sa mahigit 2.66 milyong doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines ang natatanggap ng Pilipinas mula sa COVAX facility.
Ito ay matapos dumating sa bansa ang panibagong batch ng donasyong bakuna na kabuuang 188,370 doses noong gabi ng Setyembre 2.
Ayon sa US Embassy, ang US government ang direktang naghatid sa Pilipinas ng Pfizer vaccines na ikatlo na nitong bilateral vaccine donation sa bansa.
Ang una ay ang 3.2 million single dose vaccines na Janssen noong Hulyo at ang pangalawa ay ang 3 milyong Moderna vaccines noong Agosto.
Sinabi naman ni Assistant Secretary Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process na ang mga bagong dating na Pfizer vaccines ay ilalaan sa mga LGUs na hindi pa nakatatanggap ng Pfizer shots.
Ito ay para aniya maihanda na rin ang mga nasabing lugar lalo na’t madaming darating na Pfizer vaccines ngayong Setyembre at Oktubre.
Moira Encina