Karagdagang 516 kaso ng Delta variant sa bansa, naitala ng DOH; Ilan pang variant cases, naitala rin
Nakapagtala ng karagdagan pang 516 kaso ng Delta variant ng Covid-19 sa bansa.
Dahil dito, ayon sa Department of Health (DOH), umakyat pa sa 1,789 ang kaso ng mas nakahahawang sakit.
Sa ipinalabas na statement ng DOH, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC), at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH), sinabi na ang mga bagong kaso ay mula sa 748 sequenced samples na isinumite ng 67 laboratoryo.
Mula sa nasabing bilang, 473 rito ay local cases, 31 ay mula sa Returning Overseas Filipinos (ROF) at 12 ay patuloy pang bineberipika kung saan nagmula.
Samantala, nakapagtala rin ang Health authorities ng karagdagang mga kaso ng iba pang variants sa bansa.
Sa Alpha variant, nakapagtala ng karagdagang 73 kaso kung saan 71 ang local cases at 2 ang ROF cases.
Dahil dito, sumampa na sa 2,395 ang Alpha variant cases sa bansa.
81 karagdagang Beta variant cases din ang naitala sa bansa kung saan 78 rito ay local cases, 2 ay mula sa ROF at bineberipika pa ang isa.
Batay sa ulat, 3 sa kabuuang bilang ay namatay habang 78 ang nakarekober.
Sa kabuuang, umakyat na sa 2,699 ang Beta variant cases sa bansa.
41 karagdagang P.3 variant cases naman ang naitala rin sa bansa.
Ayon sa health authorities, lahat ito ay pawang local cases.
Batay sa ulat, isang kaso na ang namatay habang 40 ang nakerekober.