Karagdagang COVID-19 vaccines dumating na sa Taguig City
Dumating na sa Taguig City ang Sputnik V COVID-19 vaccine, galing Russia.
Tatlong libong doses ang paunang ibinigay ng pamahalaan para sa Taguig.
Ang mga bakuna ay dinala sa Orca Cold Chain Storage Facility, na kapartner ng lungsod para sa pag-preserve ng vaccine.
Ang Taguig ay patuloy sa mga hakbang sa paglaban sa COVID-19, at isa na rito ang pagbibigay ng libreng bakuna para sa mga taga Taguig, batay sa priority list mula sa Interim National Immunization Technical Advisory Group (INITAG).
Ang lungsod sa kasalukuyan ay nagbibigay ng bakuna sa mga senior citizen at mga non senior adult na may kondisyong medikal.
Paalala ng mga kinauukulan sa mga mamamayan ng Taguig, i-download ang TRACE para sa mabilis at maayos na proseso na pagpapabakuna at mahigpit ding ipinagbabawal ang walk-ins.
Hanggang nitong Linggo, Mayo a-dos ay nakapagbakuna na ang Taguig ng 36, 196 na mga indibidwal na kabilang sa A1, A2, at A3 categories.
Ulat ni Archie Amado