Karagdagang mga pasilidad sa Kampo Krame, binuksan para sa mga pulis na tinatamaan ng Covid-19
Karagdagan pang pasilidad ang binuksan ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Krame para gamutin ang mga pulis na nahahawaan ng Covid-19.
Ayon sa PNP, ang buong compound ng Kiangan Billeting at Transient quarters na may sports facilities ang ginawang temporary facilities.
Mayroon itong 55-bed capacity.
Nagsisilbi naman bilang temporary holding area o Triage ang poolside pavilion sa likd ng gusali ng Kiangan Facility at covered tennis court.
Dito sinusuri at ina-assess ng mga PNP doctors ang mga pasyente para sa nararapat na medical treatment.
Meron naman itong 80-bed capacity.
Nauna nang nagbigay ng karagdagang 57 beds ang Directorate for Logistics at 40 pang mga beds sa gym para naman sa mga Asymptomatic patients.
Ayon kay Brig. General Luis Magnaye, PNP Health Service Director, na hindi nila inaasahan ang mabilis na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa hanay ng PNP.
Kasama sa seserbisyuhan ng mga binuksang temporary shelter ang mga pamilya ng police personnel na nagpopositibo sa virus.