Karagdagang special expropriation courts na didinig ng mga kaso para sa national railway projects, itinalaga ng Korte Suprema
Aabot sa 35 regional trial courts sa bansa ang itinalaga ng Korte Suprema bilang karagdagang special expropriation courts para sa national railway projects.
Ayon sa Supreme Court, layon nito na masiguro na mapabilis ang pagresolba sa expropriation cases sa mga railway project ng bansa.
Kabilang sa mga ito ang mga kaso kaugnay sa Metro Manila Subway Project, North-South Commuter Railway System, Mindanao Railway Project, at Philippine National Railway South Long Haul Project.
Ang special expropriation courts na itinalaga ay mula sa National Capital Judicial Region at sa Third, Fourth, Fifth, at Eleventh Judicial Regions.
Epektibo June 18 ay Inatasan ng SC ang mga nasabing hukuman na bigyang prayoridad ang national railway project expropriation cases alinsunod sa requirements sa ilalim ng Right-of-Way Act at mga umiiral na patakaran.
Moira Encina