Karapatan upang ipalabas ang NFL games simula sa 2023, nakuha ng YouTube TV
Inanunsiyo ng YouTube video platform na nakuha nito ang karapatan sa pagsasahimpapawid ng karamihan sa NFL football games sa US sa susunod na taon.
Ayon sa report ng US media, ang Google ay magbabayad ng humigit-kumulang $2 billion kada taon sa loob ng pitong taon, para sa karapatan na i-broadcast ang Sunday games sa kanilang subscription YouTube TV service, na available lamang sa Estados Unidos.
Ang YouTube TV subscribers, na sa ngayon ay nagbabayad ng $64.99 bawat buwan para sa isang viewing package, ay magbabayad ng dagdag na hindi pa alam kung magkano, para mapanood ang games o maaari nila iyong mapanood sa isang a-la-carte basis sa kanilang YouTube Primetime Channels platform.
Hindi nila maaaring mapanood ang games ng kanilang local teams, na saklaw ng isang bukod na kontrata.
Bukod dito, ang YouTube TV ay hindi magkakaroon ng mga eksklusibong karapatan — ang Fox at CBS network ay patuloy na babahagi ng ilang karapatan sa pagsasahimpapawid sa loob ng Estados Unidos.
Sinabi ni National Football League (NFL) commissioner Roger Goodell, “I welcome the development, it ushered in a new era of how fans across the United States watch and follow the NFL.”
Sa loob ng maraming taon, lumago ang presensiya ng NFL sa YouTube, na may mga video na nag-aalok ng mga buod ng laro at mga highlight, na nagbigay-daan sa liga na maabot ang “younger audiences” — na mas pabor sa maikli, at punchy videos kaysa broadcast ng buong laro na maaaring tumagal ng tatlong oras o higit pa.
Ayon kay Goodell, “This partnership is yet another example of us looking towards the future and building the next generation of NFL fans.”
Sa kasalukuyan, ang official YouTube channel ng NFL ay mayroong higit sa 10 milyong subscribers, na regular na nanonood ng short videos na nagpapakita ng high points mula sa isa sa pinaka-powerful sports leagues sa buong mundo.
Ayon sa ilang US media, ang rights na binili ng YouTube TV ay dating hawak ng satellite operator na DirecTV, na nagbayad sa NFL ng humigit-kumulang $1.5 billion kada taon.
Ang YouTube TV ay may higit sa limang milyong subscriber, at umaasa na ang bagong deal ay makatutulong sa pagpapalawak ng naaabot nito.
© Agence France-Presse