Kareem, naungusan na ni LeBron sa all-time scoring list
Nalampasan na ng NBA superstar na si LeBron James, ang Los Angeles Lakers legend na si Kareem Abdul-jabbar bilang “highest scoring player” sa pinagsamang regular season at playoff history noong Sabado ng gabi.
Si James kasama ng Lakers ay naglaro laban sa Golden State Warriors, at kinailangan lamang niya ng 19 points para malampasan ang most combined regular season at playoff points ni Abdul-Jabbar.
Natapos ni Abdul-Jabbar ang kaniyang hall of fame career na may 44,149 points, kabilang na ang 38,387 sa regular season at 5,762 sa postseason.
Si James ay nagbuslo ng isang three pointer nang wala pang limang minuto sa third quarter para sa kaniyang 21st point sa laro noong Sabado, at kabuuang 44,152 sanhi para malampasan niya ang record ni Abdul-Jabbar.
Tinapos nito ang laro ng may 26 points, pero nagmintis siya sa huling second free throw, at natalo ang Lakers sa Warriors sa score na 117-115.
Si LeBron ngayon ay number three sa all-time regular season scoring list na may 36,526 points, at number one sa all-time postseason scoring list na may 7,657 points.
Kulang na lamang siya ng 500 points para malampasan naman si Karl Malone para sa number two spot sa regular season scoring list.