Kartel at Smuggling ng mga Agricultural products dapat ng basagin ayon sa isang Kongresista
Panahon na para durugin ang kartel at smuggling ng mga produktong agrikultural sa bansa.
Ito ang inihayag ni Congressman Joey Salceda Chairman ng House Committee on Ways and Means.
Ayon kay Salceda kabilang sa kinokontrol ng kartel at smugglers ay ang supply ng sibuyas, karne, isda, asukal at iba pang pangunahing agricultural products.
Naniniwala si Salceda na malaking kartel ang nasa likod ng mataas na presyo ng sibuyas sa bansa.
Tiniyak ni Salceda na ngayong 2023 ay pag-iibayuhin ng House Committee on Ways and Means ang pag-iimbestiga upang makabuo ng mabisang batas at patakaran na puputol sa operasyon ng kartel at smuggling ng mga produktong agrikultural.
Sinabi ni Salceda ang mataas na presyo ng agricultural products ang nagpabilis sa inflation rate sa bansa na pumalo sa 8.1 percent nitong nakaraang buwan ng Disyembre 2022.
Vic Somintac