Kaso ng Covid-19 sa buong mundo, pumalo na sa mahigit 206 million
Kahit may bakuna na kontra Covid-19 ay sumampa pa rin sa mahigit 206 million ang kaso ng virus infection sa buong mundo.
Batay sa datos ng worldometers.info., pumapalo sa kabuuang 206,955,609 ang kaso ng Covid-19 na may 4,358,168 na mga namatay.
Naitala naman sa 185,575, 460 ang mga nakarekober sa virus infection.
Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa may pinakamaraming kaso na umaabot sa 37,364,700 na may 637,161 na mga namatay.
Pangalawa ang India na may 32,156,493 cases, 430,762 deaths at 31,338,088 recoveries.
Pangatlo ang Brazil na may 20,319,000 cases, 567,914 deaths at 19,173,917 recoveries.
Sumunod ay ang Russia, France, United Kingdom, Turkey, Argentina, Colombia at Spain.
Ang Pilipinas ay nasa ika-22 puwesto na may 1,713,302 kabuuang kaso at 29,838 na mga namatay as of August 13, 2021.