Kaso ng Covid-19 sa Laguna, halos 7,000 na
Umabot na sa halos 7,000 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Laguna.
Sa pinakahuling datos mula sa Laguna Provincial Health Office, kabuuang 6,801 ang naitalang nahawahan ng virus sa lalawigan.
Gayunman, gumaling na mula sa sakit ang 3,746 na pasyente habang pumanaw ang 148.
Sa ngayon ay mayroon na lamang 2,907 na aktibong kaso ng Covid sa Laguna.
Pinakamarami sa mga naitalang kaso ay mula sa Santa Rosa City na 1,475 at sumunod ang Calamba City na 1,392.
Patuloy ang paalala ng provincial government sa mga Lagunense na limitahan ang paglabas sa bahay kung hindi naman importante at sundin ang mga health at safety protocols para maiwasan na mahawahan at kumalat ang virus.
Ulat ni Moira Encina