Kaso ng COVID sa CALABARZON, pumalo na sa mahigit 51,000
Umabot na sa mahigit 51,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Region IV-A o CALABARZON.
Sa pinakahuling bulletin mula sa DOH Center for Health Development- CALABARZON, nadagdagan ng 455 bagong kaso ng COVID ang rehiyon kaya kabuuang 51,198 na ang bilang ng mga nahawahan ng virus.
Gayunman, gumaling na mula sa sakit ang karagdagang 934 na pasyente kaya aabot na sa mahigit 39,000 na ang nakarekober sa CALABARZON.
Umakyat naman sa 1,301 ang COVID deaths matapos pumanaw ang panibagong 19 pasyente sa rehiyon.
Sa kabuuan, nasa mahigit 10,300 na lamang ang aktibong kaso ng COVID sa CALABARZON.
Ang Laguna ang may pinakamataas na kumpirmadong COVID case na 14,762.
Moira Encina