Kaso ng Delta variants sa CALABARZON, nasa 406 na
Umaabot na sa 406 ang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa CALABARZON.
Ayon sa datos ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng DOH CALABARZON, pinakamarami sa mga ito ay naitala sa Laguna na 112 at sumunod sa Cavite na 99 kaso.
Nasa 83 naman ang Delta cases sa Rizal, 65 sa Batangas, 33 sa Quezon, at 14 sa Lucena City.
Karamihan sa mga Delta infections ay mula sa local transmission na 355 kaso kung saan Laguna pa rin ang naitalang may pinakamarami na 102.
Kabuuang 51 Delta cases naman ay mula sa returning OFWs na karamihan ay mula sa Cavite na 17.
Tiniyak ng DOH CALABARZON na patuloy itong nagsasagawa ng mass antigen at RT-PCR testing sa rehiyon upang maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit sa high-risked communities.
Moira Encina