Kaso ng isang prison guard sa NBP na inaresto matapos makuhanan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu, pinatututukan ni Justice Sec. Aguirre
Pinatututukan mabuti ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa mga otoridad ang kaso ng isang prison guard sa New Bilibid Prisons na inaresto matapos makuhanan ng 100 gramo ng hinihinalang shabu.
Kinumpirma ng kalihim na nahulihan ng mga tauhan ng PNP- Special Action Force ng isang malaking plastic sachet ng iligal na droga ang prison guard 1 na si Ernesto Dionglay Jr.
Si Dionglay at ang iba pang kawani ng NBP ay sumalang sa body search ng PNP SAF sa gate ng maximum security compound nitong Huwebes ng umaga.
Nakadetine pansamantala ang Prison guard sa Muntinlupa at sasampahan ng kasong paglabag sa section 11 ng RA 9165 o illegal possession ng droga.
Ulat ni: Moira Encina