Kaso ng Non-communicable diseases o NCD’s, tumataas kapag holiday season – DOH
Holiday season na naman kung kaya ngayon pa lang ay maraming mga kababayan natin ang abala na ang isip at katawan sa pamimili at pagdalo sa kaliwa’t kanan na handaan.
Ayon sa Department of Health (DOH), kapag sumasapit ang ganitong pagkakataon ay tumataas ang kaso ng Non =communicable Diseases (NCD’s).
Ang NCDs ay kabilang sa pangunahing sanhi ng pagkamatay, kabilang na ang sakit sa puso na siyang nangunguna, sumunod ang sakit sa (2) Vascular system, (3) Malignant neoplasms, (7) Chronic lower respiratory diseases, at (8) Diabetes mellitus.
Sa pamimili, may tinatawag na holiday rush….ito ang pamimiling wala sa plano kaya naman nakararanas ng stress ang isang namimili.
Sabi ng DOH, mahalagang pinaplano ang gagawing pamimili…kasama dito ang budget…ang oras…ang listahan at higit sa lahat ay ang kalagayan ng katawan…ito ay upang maiwasan ang anumang kapinsalaan na idudulot kapag na stress sa pamimili.
Sa mga dumadalo naman ng kaliwa’t kanan na handaan o salu salo….mahalaga ang disiplina….iwasan o limitahan ang pagkain ng matataba o mamantika, maaalat at matatamis na pagkain upang hindi tumaas ang blood pressure at blood sugar level.
Iwasan din ang matagal na pagtayo dahil maaaring ma stress ang mga ugat ng paa at binti at maramdaman ang tinatawag na vein thrombosis o ang pamumuo ng dugo sa mga binti na maaaring humantong sa isang malalang kundisyon o sakit.
Payo ng DOH, tandaan ang healthy at stress free holiday season….mag ingat sa lifestyle-related diseases.
Ulat ni Belle Surara