Kaso ng pagkawala ng load sa mga prepaid subscribers, iniimbestigahan na ng Senado
Sinimulan nang imbestigahan ng Senado ang mga reklamo ng pagkawala ng load partikular na sa mga prepaid subscribers.
Sa pagdinig ng Senate committee on Science and Technology, inireklamo ng ilang subscribers ang pagkaltas ng load ng mga telecommunications companies sa mga Value added services o VAS.
Lumilitaw na 2.50 piso ang nababawas sa load sa mga VAS gaya ng promotions ng isang telcos na isinisend sa pamamagitan ng 4 digit numbers.
Ayon kay Senador Bam Aquino, chairman ng komite, labag sa consumer practice ang ginagawa ng mga telcos na nagbabawas ng load kahit pa tinanggihan o hindi inaprubahan ng mga subscribers ang VAS.
Aminado naman ang Department of Trade and Industry o DTI na sangkatutak ang natatanggap nilang reklamo hinggil sa mga nakaw na load ng mga telcos.
Ulat ni Meanne Corvera