Kaso ng XBB.1.5 COVID-19 subvariant, hindi pa nakakapasok sa bansa
Tiniyak ng Department of Health na wala pang XBB 1.5 variant ng COVID- 19 ang nakakapasok sa bansa.
Ang XBB 1.5 ay subvariant ng Omicron at galing sya sa XBB lineage.
Sa monitoring ng DOH may kabuuang 878 XBB cases na ang naitala sa bansa.
Sinasabing mas mabilis itong kumalat at nagdudulot ng pagtaas ng mga kaso sa United Kingdom at kumakalat na rin sa ilang estado sa Amerika.
Pinawi naman ng DOH ang pangamba ng publiko sa mga bagong variant ng covid 19 dahil normal sa virus ang mag mutate.
Paliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, maiiwasan lang ang mutation kung mawawalan ng host ang virus.
Kaya mahalaga na magpabakuna at magpabooster para sa proteksyon laban sa virus.
Madelyn Villar -Moratillo