Kasong illegal possession of firearms and explosives laban kay Cong. Teves, ipinababasura
Naghain ng motion to dismiss ang kampo ni suspended Negros Oriental Congressman ArnolfoTeves Jr. sa Department of Justice (DOJ)sa mga reklamong illegal possession of firearms at illegal possession of explosives laban dito.
Itinuloy ngayong araw, May 5,ng DOJ panel of prosecutors ang pagdinig sa nasabing reklamo na nag-ugat sa mga nasamsam na mga armas at baril sa bahay ni Teves sa Bayawan City.
Naninindigansi Atty. Edward Santiago, abugado ni Teves, na illegal ang ginawang search and seizure ng pulisya sa nasabing property ng kongresista.
Batay aniya sa testimonya ng kanilang mga testigo ay may raiding team o clearing team muna bago isinagawa ang aktuwal na search sa property ni Teves.
Iginiit ng abogado na iligal o highly irregular ang nasabing proseso alinsunod sa mga batas.
Aniya, dahil sa iligal ang search ay inadmissible o hindi maaaring tanggapin bilang ebidensya ang mga nakumpiskang armas at baril.
Sinabi pa ni Santiago na inamin din mismo ng Philippine National Police (PNP)sa kanilang reklamo na may mga Special Action Force personnel na nagsagawa ng clearing bago ang search sa ari-arian niTeves.
Samantala, tinapos na ng DOJ prosecutors ang hearing sa reklamo at idineklara na itong submitted for resolution.
Moira Encina