Kauna-unahang appointee ni Pang. Duterte sa SC, naitalaga na
Nagtalaga na si Pangulong Duterte ng kanyang kauna-unahang appointee sa Korte Suprema.
Ito ay si Sandiganbayan Associate Justice Samuel Martires na papalit sa nagretirong si Justice Jose Perez.
Sa ilalim ng konstitusyon, may 90 araw ang Pangulo matapos mabakante ang pwesto na magtalaga ng bagong mahistrado ng Supreme Court.
Nakatakdang manumpa si Martires, 68 anyos bilang bagong SC Justice sa Martes Marso a-siete.
Nagtapos si Martires ng abogasya sa San Beda College gaya nina Duterte at ng ilang Gabinete.
Naitalaga siya bilang Sandiganbayan Justice noong 2006.
Si Martires ang sumulat sa kontrobersyal na desisyon na nag-apruba sa plea bargain deal na pinasok ng Office of the Ombudsman at ni retired Major General Carlos Garcia.
Inaasahang papangalanan na rin ng Malakanyang ang papalit naman kay retired SC Associate Justice Arturo Brion para makumpleto na ang 15-man court.
Ulat ni: Moira Encina