Kauna unahang Lung Transplant Program, inilunsad sa QC
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nanguna sa paglulunsad ng kauna-unahang Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City.
Para sa Pangulo , isang malaking breakthrough para sa bansa ang naturang programa.
Naglaan ng 4.2 million pesos na pondo ang pamahalaan para sa renovation ng post-anesthesia care at 1.8 million pesos naman para sa surgical intensive care unit.
Ang nasabing pondo ay nakapaloob sa 2024 General Appropriations Act at private sector donations.
Kasabay nito, nangako si Pangulong Marcos na magtatag ng 179 na medical specialty centers bago matapos ang administrasyon sa 2028.