Kauna-unahang missile simulator, naiturn-over na sa PAF
Maaari na ngayong magsanay ang Philippine Air Force (PAF) ng iba’t-ibang surface-air missile engagement techniques, makaraang pormal na maiturn-over sa kanila ang kauna-unahan nitong missile simulator, ang SPYDER Philippines Air Defense Systems (SPAD) Simulator-Training Center.
Sinabi ni Air Force spokesperson Col. Maynard Mariano, na ang pagtanggap, turnover, at blessing ceremony ay ginanap sa Basa Air Base sa Floridablanca, Pampanga noong April 26.
Aniya . . . “The SPADS Simulator-Training Center is the AFP’s (Armed Forces of the Philippines) first missile training center, which will serve as a training ground for future missile operators to prepare them for real-world challenges, as well as to increase personnel knowledge, skills, and develop the right attitude for air and missile defense.”
Ang SPAD Simulator-Training Center ay bahagi ng Ground Base Air Defense System (GBADS) acquisition project ng PAF, na naglalayong mapagbuti pa ang defense capabilities ng militar.
Si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panauhing pandangal sa event, kasama nina PAF chief Lt. Gen. Connor Anthony Canlas, Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, Rafael Advanced Defense System executive vice president retired Brig. Gen. Pinhas Yungman, at Air Defense Command chief Maj. Gen. Augustine Malinit.
Ayon kay Mariano . . . “During the activity, Secretary Lorenzana, along with PAF senior leaders were able to witness the missile engagement simulation and the training capabilities of the center and its attendant facilities.’
Ang SPYDER ay pinaikling surface-to-air PYthon and DERby mobile-air defense system, na dinivelop ng Rafael Advanced Defense Systems sa tulong ng Israel Aerospace Industries.
Ang Notice of Award para sa GBADS acquisition project ay inilabas noong 2019. Hindi naman binanggit ng PAF ang tiyak na bilang ng SPYDER batteries na nakatakda nitong bilhin.