Kauna-unahang resolusyon na nagsusulong sa karapatan at proteksyon ng seafarers na inisyatiba ng Pilipinas, pinagtibay ng UN Human Rights Council
Inaprubahan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang resolusyon na inisyatiba ng Pilipinas para maprotektahan ang mga karapatan ng seafarers.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito ang kauna-unahang resolusyon sa UNHRC ukol sa seafarers rights.
Ang resolusyon ay pinagtibay sa 56th Session ng UNHRC sa Geneva, Switzerland.
Tinawag ito ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na “milestone resolution,” lalo na’t ang mga Pilipino ang pinakamalaking nasyonalidad ng maritime crew na nagsisilbi sa international merchant fleet.
Nakasaad sa resolusyon na ang ligtas at disenteng pamumuhay at kondisyon sa pagtatrabaho sa karagatan ay isang mahalagang karapatang pantao.
Ipinanawagan din sa UNHRC resolution ang mas malakas na kolaborasyon sa pagitan ng mga estado, ship owners, mga kinatawan ng tripulante, International Labor Organization, International Maritime Organization at iba pang stakeholders para maprotektahan ang karapatan at dignidad ng seafarers sa buong mundo.
Moira Encina