Kawalan ng kapangyarihan ng DOE sa pagtaas ng presyo ng gasolina, binatikos
Dismayado si Marikina Representative Stella Quimbo sa kawalan ng kapangyarihan ng Department of Energy (DOE) sa pagpapanatili ng presyo ng langis sa bansa.
Sa pagdinig ng House Committee on Energy, inami ng DOE na wala silang magawa sa presyo ng gasolina dahil nasa kamay ito ng mga Oil companies.
Sinabi ni Quimbo na nakalulungkot na walang kakampi ang mamimili laban sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Binatikos din nito ang DOE na ginagamit na dahilan ang Oil Deregulation Act kaya wala silang magawa sa pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ang Oil Deregulation Act ay nilagdaan at naging ganap na batas noong 1998.
Dahil dito, hiniling ng Kongresista na baguhin na ang paraan ng pagmomonitor sa presyo ng gasolina.
Eden Santos