Kawalan ng pondo sa pangangampanya, hindi sapat na dahilan para maideklarang nuisance candidate –SC

Hindi dapat awtomatikong ituring na nuisance candidate ang kandidato na walang sapat na pondo para mangampanya.

Ito ang iginiit ng Korte Suprema sa 16 na pahinang desisyon sa petisyon na inihain ni Juan Juan Olila Ollesca, na naghain ng certificate of candidacy noong 2022 elections.

Idineklarang nuisance candidate ng Comelec si Ollesca dahil hindi ito popular at walang pondo para sa nationwide campaign.

Ayon sa ruling ng Supreme Court, ang pangunahing batayan para ituring na nuisance candidate ay kung wala itong tunay na intensyon na tumakbo sa posisyon na hindi napatunayan ng poll body sa kaso ng petitioner.

Hindi anila nangangahulugan na kapag kilala, may pondo at partido politikal ay may tunay na intensyon nang kumandidato.

Ipinunto ng SC na ang pag-obliga sa kandidato na magkaroon ng pinansiyal na kapasidad ay labag sa Konstitusyon.

Inihayag pa ng SC na hindi puwedeng idiskuwalipika ang kandidato dahil ito ay mahirap sapagkat lahat ay may karapatan na kumandidato anuman ang yaman nito.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *