Kawayan, ikinukunsidera ng Department of Agriculture na high -value crop
Pinangunahan ng DOST-Forest Product Research and Development o FPRDI at ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang pagunita sa World Bamboo Day.
Sa panayam kay Forester Romana Mauricio, Senior Science Research Specialist ng DENR-Ecosystem, R&D Bureau, sinabi niya na ang bamboo o kawayan ay ikinukunsidera ng DA na isang high value crop dahil sa mahalagang kontribusyon nito sa agricultural production.
Sinabi ni Mauricio na dati rati, ang tawag sa kawayan ay poor mans’ lumber, pero ngayon, tinatawag na itong green gold dahil sa malaking ambag nito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Ayon pa kay Mauricio, may bagong teknolohiya na rin na nadevelop para mas mabilis na maparami ang tanim ng kawayan.
Tinawag itong Micro-Propagation technology kung saan kumukuha ng bahagi ng kawayan, maaaring buto o ang katawan, ito ay hahatiin sa maliliit na bahagi at ito ang itatanim. Tissue Culture ang tawag dito.
Kaya naman, hinihikayat ni Mauricio ang publiko na kung meron lang din aniya na space sa bakuran, lalo na ang mga nasa lalawigan, mainam na magtanim ng kawayan dahil maaari itong pagkakitaan.
Belle Surara