Kidney month, ginugunita; 8 Golden Rules para maingatan ang bato, binigyang-diin ng Kidney Specialist
Ipinagdiriwang tuwing Hunyo ang National Kidney Month.
Sa taong ito ang tema ng okasyon ay “Matatag na Bato sa Kapanahunang ito”.
Kaugnay nito, isinagawa ang health forum na inorganisa ng Philippine College of Physicians (PCP), Philippine Society of Nephrology (PSN) at National Kidney and Transplant Institute (NKTI).
Sa talakayan, binigyang-diin ni Health Secretary Francisco Duque III na ang malubhang sakit sa bato ay madalas na nagiging dahilan ng pagbagsak ng buong katawan.
Aniya, matagal na oras ang lumilipas bago magpakita ng malinaw na sintomas ang sakit sa bato at sa kasamaang palad madalas ay malubha na ang kundisyon ng mga bato sa oras na maramdaman ang mga sintomas ng naturang sakit.
Samantala, binigyang-diin ni Dr. Michelle Cacayorin, Medical Officer III NG NKTI, na may walong hakbang na dapat gawin ang isang upang mapangalagaan ang bato o kidney.
Kabilang dito ang pag-e-ehersisyo, pagkain ng healthy diet, pagmomonitor sa blood sugar at blood pressure, pagtigil sa paninigarilyo, huwag basta iinom ng pain relievers, uminom ng sapat na dami ng tubig at regular na magpa-check-up.
Belle Surara