Kinikilala ng Pilipinas ang papel ng Canada sa pagsusulong ng maritime security at safety sa Indo Pacific region.
Sa kaniyang intervention sa ginanap na ASEAN-Canada Summit sa Indonesia na dinaluhan rin ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, binabggit rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang mga inisyatiba ng Canada sa kanilang Indo-Pacific Strategy, kabilang rito ang pagsasanay sa smart border patrols, pagtugon sa mga krimen at terorismo, military-to-military capacity building, at iba pa.
Ayon kay PBBM, napapanahon din ang pag-adopt sa Joint Leaders’ Statement on ASEAN-Canada Strategic Partnership na inaasahang makapagpapalalim pa sa relasyon ng Canada sa ASEAN.
Paliwanag ng Pangulo ang pagpapalawak sa mutual trade ay makakatulong para mapalakas ang ASEAN connectivity l.
Sa sidelines ng summit, nagkaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kay Trudeau.
Inaasahan namang bibisita rin sa Canada si PBBM matapos syang imbitahan ni Trudeau na bumisita sa kanila kasabay ng pagdiriwang ng ika-75 taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa sa susunod na taon.
Madelyn Moratillo