Kita ng MTRCB, bumagsak ngayong Pandemic
Umaabot sa 40% ang nabawas sa kita ng MTRCB ngayong taon dahil sa epekto ng Covid-19 Pandemic.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Atty. Ann Marie Nemenzo ng MTRCB, na malaki ang binaba ng mga isinumiteng materials sa kanila para i-review ng MTRCB.
Katunayan sa taong ito, nasa 149 films ang naisubumit sa kanila kung saan 67 ang Local at 82 ang Foreign.
Noong 2019, nasa 136 million ang kinita ng MTRCB na niremit din nila sa Gobyerno pero ngayong taon hanggang noong Agosto ay bumaba ang kita nila sa higit 59 million lamang dahil sa mabagal na transition sa Movie Industry.
Sa ngayon, ayon kay MTRCB Chair Rachel Arenas, may dalawang drive-trhu cinemas na ang isang mall at nakikipag-ugnayan na rin sila sa ibang ahensya para sa unti-unting pagbangon ng industriya.
Meanne Corvera