Kita ng turismo pumalo na sa ₱221B sa unang taon ng Duterte administration
Pumalo ng halos 221 billion pesos ang kita sa turismo sa unang taon pa lamang ng Duterte administration.
Ayon sa Department of Tourism ang nabanggit na halaga ay naitala mula July 2016 hanggang May 2017 .
Inihayag ng ahensiya na halos 110% na mas mataas ito kumpara sa unang labing isang buwan ng nakalipas na Aquino administration.
Dagdag pa ng DOT pumapalo sa halos anim na milyon ang International Tourist arrivals o mahigit pitumpu’t isang (71) porsiyentong mas mataas sa naitala sa parehong period.
Binigyang diin ng DOT na nagsilbing bright spot para sa ekonomiya ang tourism industry sa unang taon ng Duterte administration.
Kabilang nito sa mga factor ng paglago ng turismo ang pagresolba ng gobyerno sa mga banta, pagkakaroon ng maayos at ligtas na kapaligiran at pagpapataas ng tiwala ng mga turista.