Klase sa lahat ng antas sa Marikina city, suspendido ng isang buwan dahil sa epekto ng bagyo
Inanunsyo ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na suspendido muna ang klase sa lahat ng antas sa loob ng isang buwan.
Ito’y upang bigyang-daan ang clearing at rehabilitation effort sa buong lunsod matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses.
Isa ang Marikina city sa mga lumubog sa baha matapos ang bagyo.
Bagamat humupa na aniya ang bagyo, nag-iwan naman ito ng makapal na putok at basura sa halos lahat ng lansangan ng Marikina.
Marami sa mga residente ang hindi pa makabalik sa trabaho at normal na buhay dahil abala pa sa pagtatanggal ng makapal na putik.
Sa kanila aniyang initial assessment, aabot sa 40 hanggang 50 bilyong pisong halaga ng mga napinsalang ari-arian ang nawasak ng bagyo.
Aabot pa sa mahigit 50,000 kabahayan ang lubog sa putik.
Samantala si Senador Bong Go ay nag-ikot sa Marikina city at namahagi ng tulong sa mga residente.
Ayon sa Senador, matapos makita ng Pangulong Duterte ang matinding pinsala ng bagyo, pinirmahan na nito ang kaniyang rekomendasyon na lumikha ng Task Force na tututok sa rehabilitasyon ng mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Tiniyak ng Senador na magbibigay rin ng tulong pinansyal ang gobyerno sa mga nawalan ng bahay pero natatagalan lamang dahil may isinasagawa pang assessment.
Hinimok rin nito ang mga residente na agad makipag-ugnayan s atanggapan ng alkalde kung nais ng lumipat ng kanilang tahanan.
Senador Bong Go:
“Konting tiis lang po mga kababayan ko, may mga dapat tayong sundin na proseso dahil pera po ito ng Gobyerno, sundin natin ang proseso dahan- dahan yan validation kung sino nasiraan, sino tinamaan kailangan ng tulong so magbibigay po ang nha ng pambili ng housing materials”.
Samantala, makipag-usap na rin ang Senador kay Health secretary Francisco Duque para magtalaga ng mga Health officer sa mga evacuation centers para matiyak na nasusunod ang Health protocol at maiwasan na ang pagkalat ng Covid-19.
“Dalawang disaster ang hinaharap natin sa ngayon, una ang Pandemya, , pangalawa bagyo, pangatlo baha so kailangan nating mag-adjust sa isa’t isa, sumunod muna tayo sa paalala ng gobyernod apat po ang health officer natin along with the Health officer po ng LGU ay well coordinated”.
Meanne Corvera