Komisyon sa Wikang Filipino hindi sang-ayon sa panukalang House Bill No. 5091 ni CGMA
Tutol ang Komisyon sa Wikang Filipino sa panukalang House Bill 5091 ni Pampanga Cong. Gloria Macapagal Arroyo.
Ayon sa KWF ang HB No. 5091 o “An Act to Enhance the use of English as a medium of Instruction in the educational system” ay tahasan ng sumasalungat sa Saligang batas.
Sabi ng KWF isinasaad sa konstitusyon na ang wikang Filipino ang wika na dapat pagyamanin at payabungin ng ating bansa.
Dapat ding gumawa ng hakbang ang pamahalaan para itaguyod ang paggamit ng Wikang Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang edukasyon.
Hindi na rin aniya kailangan ang nasabing H.B dahil ang ginagamit na linguwahe ng maraming Pilipino sa buong bansa ay ang wikang Filipino.
Ulat ni: Jet Hilario