Komite ng Senado, pinagkukumento ng SC sa petisyon ni Alice Guo laban sa pagpapa-subpoena sa kaniya

Inatasan ng Korte Suprema ang Senate Committee on Women na sagutin ang petisyon na inihain ng kampo ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo laban sa pagpapatawag sa kaniya sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, binigyan ng 10 araw ang Senado para maghain ng komento.

Sa petisyon ni Guo, hiniling nito na atasan ng SC ang Senado na huwag nang gawing resource person ang alkalde.

Nais din ng mayor na ipawalang-bisa at mag-isyu ng TRO ang Korte Suprema sa mga subpoena at imbestigasyon laban dito ng Senado.

Moira Encina- Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *