Komite sa “Kontra Bigay” inilunsad ng Comelec
Higit isang buwan bago ang October 30 Barangay at Sangguniang Kabataan elections nakatakda ng ilunsad ngayong araw ng Commission on Elections ang Committee on Kontra Bigay.
Matatandaang noong 2019 National elections ay una ng inilunsad ng Comelec ang Task Force Kontra Bigay.
Pero ayon kay Comelec Chairman George Garcia, para mas mapalakas ay ginawa na nila itong isang komite ngayon na pamumunuan ni Commissioner Ernesto Maceda Jr.
Kaugnay niyan nakatakda ring maglunsad ang poll body ng complaint center natatanggap naman ng mga reklamo patungkol sa vote-buying at vote-selling kaugnay ng October 30 BSKE.
Mag-o-operate ito mula 8am hanggang 5pm habang 24 oras naman mula October 29 hanggang 31.
Pagpapakita daw ito kung gaano kaseryoso ang poll body sa paglaban sa vote-buying na napakahirap mahuli.
Inaasahan sa launching ng Committee on Kontra Bigay ay ilalatag rin ng Comelec ang mga ipapatupad na patakaran gaya ng money ban.
Madelyn Moratillo