Kongreso, pinababalangkas ng Pangulo ng batas para bumuo ng ahensiya na tututok sa bawat klase ng transportasyon sa Metro Manila
Kailangang bumuo ang Kongreso ng isang bagong ahensya na tututok sa bawat klase ng transportasyon sa Metro Manila para maresolba ang matagal ng problema sa trapiko.
Sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa opening ng 17th Congress’ second regular session , maari aniyang pagsamahin ang Land Transporation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Ang mga riles naman ay maaring pamunuan ng Philippine Railway Authority.
Dapat din aniyang bumuo ng regulatory body para naman sa mga airport operation.
Matatandaan nitong nakaraang linggo, sinabi ni Pangulong Duterte na nais nitong ayusin ang gobyerno para mas maging epektibo ang transaksyon sa bawat ahensya nito.