Kongreso wala ng magagawa para tanggalan ng pondo ang NTF elcac – SP Sotto
Desidido ang mga Senador na patanggalan ng budget ang NTF elcac.
Sa kabila ito ng inilabas na gag order kay General Antonio Parlade at Spokesman nitong si Loriane Badoy.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, kahit magbitiw o tanggalin sa pwesto si Parlade, desidido silang patanggalan ng pondo ang ahensya.
Giit naman ni Gatchalian si Parlade ang puno’t dulo ng problema dahil sa paglalabas ng mga alegasyon na walang basehan kaya nauwi sa bangayan ang problema.
Pero ayon kay Senate President Vicente Sotto, wala ng magagawa ang Kongreso para patanggalan pa ng budget ang NTF elcac.
Nakapaloob na kasi sa 2021 General Appropriations law ang pondo para dito.
Para kay Sotto hindi dapat na alisan ng pondo ang ahensya dahil lamang pumalpak ang mga tagapagsalita nito kundi dapat ibatay sa kanilang performance.
Nauna nang idinepensa ni Sotto ang nNTF elcac dahil sa magandang performance para linisin ang insurgency sa tatlumput pitong mga probinsya.
Statement of Senate President Vicente Sotto
(“Let us set the records straight, how do we propose to defund a certain program of govt legitimately funded in the current law, the GAA? You cannot. What they probably propose is to not fund it in the next year’s budget. All because we do not like certain personalities? Parlade and Badoy are not the NTF ELCAC! Now if the program is not working then we can assess that in the budget hearings.”)
Meanne Corvera