Konstruksiyon ng bagong iconic bridge sa Maynila, 88% nang kumpleto
Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang massive installation ng prefabricated girders para sa abutments at ramps ng iconic Binondo – Intramuros Bridge Project sa Maynila.
Sa kaniyang report kay DPWH Acting Secretary Roger “Oging” Mercado, sinabi ni Undersecretary at Build Build Build(BBB) Chief Implementer Emil K. Sadain, na nasa piers na ang steel box girder components para sa up-ramp sa Intramuros side na may kabuuang haba na 191 na metro at sa pagitan ng pier 5 hanggang sa malapit sa pier 8, para sa viaduct structure sa ibabaw ng Estero de Binondo at ramp sa Binondo side.
Ayon kay Sadain, in-charge ng DPWH Unified Project Management Office (UPMO) Operations ang kabuuang progreso ng bridge project na ipinatupad ng UPMO – Roads Management Cluster 1 (UPMO-RMC 1), ay 88.63 percent nang kumpleto.
Si Sadain ay nagsagawa ng inspeksiyon kasama si UPMO RMC 1 Project Director Benjamin A. Bautista, Project Manager Melchor Kabiling, at Project Engineer Joey Doria sa project site.
Sa kaniyang report sa contractor na China Road and Bridge Corporation kasunod ng inspeksiyon, sinabi niya na . . . “We are expecting a lot of dramatic changes for this project, with all the needed materials and high-performance launching equipment available on the construction site.”
Ang Binondo-Intramuros Bridge Project ay kinapapalooban ng pagtatayo ng 680 linear meter na tulay na mag-uugnay sa makasaysayang distrito ng Intramuros sa Solana Street at Riverside Drive, sa mataong distrito ng Binondo sa Rentas Street/Plaza del Conde Street at Muelle dela Industria.
Target ng DPWH is targetting na tapusin ang proyekto sa unang kalahati ng 2022.
Ang ₱3.39-Billion bridge project ay pinondohan ng isang grant aid mula sa People’s Republic of China.
Itinuturing na isa sa mga punong proyektong imprastraktura ng DPWH sa ilalim ng Build, Build, Build Program, ang proyektong tulay ay inaasahang hindi lamang makakabawas sa oras ng paglalakbay sa pagitan ng dalawang abalang distrito ng Intramuros at Binondo sa Maynila, kundi makikinabang din ang humigit-kumulang 30,000 sasakyan araw-araw .