Konstruksiyon ng PNR Calamba stations, magsisimula na sa 2022
Nakatakda nang simulan sa 2022 ang konstruksiyon ng 19 na istasyon ng Philippine National Railways (PNR) Calamba.
Sa ginawang site visit sa PNR Balagtas Station, sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Railways Timothy John “TJ” Batan, na ang konstruksiyon ay nakatakdang simulan kapag ang bidding parasa lahat ng siyam na kontrata ng proyekto ay halos kumpleto na.
Ayon kay Batan . . . “The first six contracts are already undergoing Asian Development Bank’s (ADB) review for concurrence, following which the contracts will be awarded and signed, and construction will very soon be mobilized.”
Ang PNR Calamba ay isang 57-kilometer railway project , na ikatlo sa southernmost leg ng North South Commuter Railway (NSCR), isang big-ticket project sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte administration.
Sa kabuuan aniya, ang NSCR ay bubuuin ng 35 mga istasyon mula Clark, Pampanga na daraan sa mga lalawigan ng Bulacan at National Capital Region (NCR) patungong Calamba, Laguna.
Sa June 2022, sinabi ni Batan na ang bilang ng operational train stations sa bansa ay madaragdagan, o magiging 87 mula sa dating 61, habang 92 mga istasyon naman ang kasalukuyang ginagawa o naka-kontrata na.
Aniya . . . “The 179 railway stations operational, contracted, and ongoing construction by 2022 is a critical component of the DOTr’s railway network expansion program because it is at stations that a railway becomes more accessible to the people.”
Ayon sa DOTr, noong July ay nakatanggap ito ng “record-breaking” na bilang ng bids para sa PNR Calamba kapwa mula sa local at international contractors.
Sa sandaling simulan na, ang proyekto ay inaasahang makapagbibigay ng nasa 10,000 direktang trabaho.