Konstruksyon sa Pag-asa Island pinadadagdagan ng senado
Pinadadagdagan ng senado ang 80 million pesos na pondo para sa konstruksyon ng mga karagdagang military facilities sa Pag asa Island.
Ayon kay senador Francis Tolentino, kailangang itaas ang budget para palakasin ang presensya ng militar sa Pag asa island at protektahan ang teritoryo ng bansa
Masyado rin aniyang mahal ang pagpapagawa ng mga istruktura dahil kinakailangan pang hakutin sa isla ang ang mga contruction materials.
Hindi lang aniya pag asa island ang kailangang pagandahin ang istruktura kundi ang walo pang isla na nasa West Philippine Sea
Nauna nang pinuna ni Batangas Representative Ralph Recto ang napakaliit na pondo na inilaan ng Ehekutibo sa pag asa island.
Kwestyon nya paano ipaglalaban ang teritoryo kung napakaliit ng inilaang pondo ng malacanang.
Meanne Corvera