Kontraktor ng bagong gusali ng Senado sa Taguig City, kinasuhan ng DOJ ng P176-million tax evasion sa Court of Tax Appeals

Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong tax evasion sa Court of Tax Appeals (CTA) ang malaking construction firm na Hilmarc’s Construction Corporation.
Ang Hilmarc ang kontraktor ng itinatayong bagong gusali ng Senado sa Taguig City.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa DOJ laban sa Hilmarc noong Nobyembre 2023, dahil sa sinasabing paggamit ng ghost receipts ng kumpanya para hindi makapagbayad ng tamang buwis.
Ayon sa DOJ, nakitaan ng sapat na ebidensya para kasuhan sa korte ang Hilmarc at ang mga opisyal nito na sina Efren M. Canlas, Robert B. Henson, at Cristina Elisse F. Canlas, ng paglabag sa Tax Code.
Ayon sa pahayag ng DOJ, “The Department of Justice, after careful review of the pieces of evidence, found prima facie evidence with reasonable certainty of conviction to charge Hilmarc’s and its corporate officers Efren M. Canlas, Robert B. Henson, and Cristina Elisse F. Canlas, for violation of Sections 254 (Attempt to Evade or Defeat Tax) and 255 (Failure to Supply Correct and Accurate Information) in relation to Sections 253(d) and 256 of the Tax Code.”
Bukod sa kasong kriminal, ipinagharap din ng DOJ ng kasong sibil ang construction giant ng P176.36 million pesos tax liabilities.
Sinabi ng DOJ na pinalabas ng kumpanya na ang mga resibo na inisyu ng ghost firms ay mula sa mga lehitimong transakyon at ginamit ito ng Hilmarc sa kanilang tax returns.
Nakasaad pa sa pahayag ng DOJ, “Hilmarc’s made it appear that the fraudulent receipts/invoices issued by Ghost Companies (Unimaker Enterprises Inc. and Everpacific Incorporated) came from legitimate transactions. Consequently, the said fraudulent receipts/invoices were used to claim input tax in its VAT Returns and as an expense in its Income Tax Returns filed with the BIR. Such scheme ultimately had a negative impact on the tax collection of the BIR. Taken as a whole, this fraudulent act of using receipts from fake transactions resulted to billions of losses to the government.”
Inaasahan ng DOJ na magpapalabas ang CTA ng arrest order laban sa mga opisyal ng construction giant.
Moira Encina-Cruz