Kontrata ng mga electric cooperative ipinasisilip sa Senado
Nais ipabusisi ni Senador Grace Poe ang mga power supply contract na sa mga independent power producer at mga electric cooperative.
Kasunod ito ng reklamo ng mga negosyante sa Northern Mindanao at iba pang lalawigan hinggil sa mataas na singil sa kuryente doon kumpara sa Metro Manila.
Sinabi ni Poe na Chairman ng Senate Committee on Public Services na ipatatawag at pagpapaliwanagin sa pagdinig ng Senado ang Energy Regulatory Commission kung paano nakalusot ang mataas na singil sa kuryente doon.
Ang ERC ang regulator na siyang nag-aapruba ng anomang dagdag singil kasama na ang mga power supply agreement na siyang pinapasok ng distribution companies sa generation companies.
Sabi pa ni Poe, hindi kasama sa dapat ipinapataw na generation costs ang anomang pagggalaw sa presyuhan ng mga produktong petrolyo at anomang paggalaw sa dollar exchange rate.
Kuwestyon pa ng mambabatas, sa kabila ng napakataas na singil sa kuryente, bakit nagkakaroon pa ng power outages?
Meanne Corvera