Kontratang pinasok ng Nayong Pilipino Foundation, pinaiimbestigahan sa Ombudsman
Pinakikilos ni Senador Sherwin Gatchalian si Ombudsman Samuel Martires para busisiin ang pinasok na kontrata ng Nayong Pilipino Foundation.
Batay sa kontrata, inaprubahan ng NPF board of trustees ang konstruksyon ng 1.5 billion dollars para sa integrated resort and casino development ng
Resorts Philippines Development Corporation.
Sinabi ni Gatchalian na dapat papanagutin ang mga opisyal na nag apruba ng kontrata matapos mapag alamang hindi dumaan sa Public bidding.
Hindi aniya biro ang 25 billion pesos na mawawala sa gobyerno kapag natuloy ang kontrata na tatagal ng 50.
Kasabay nito, hinimok ni Gatchalian ang mga miyembro ng NPF Board na lumutang at magpaliwanag sa pinasok na kasunduan bago pa masampahan ng kaso.
Ulat ni Meanne Corvera