Kontribusyon ng Pilipinas sa pagpapanatili ng Peace and security sa UN member states, tiniyak ni PBBM
Mas pinagtibay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangako ng pakikipagkaisa ng Pilipinas sa pagpapanatili ng kapayapaan, seguridad at katatagan sa lahat ng mga bansang miyembro ng United Nations.
Sa kaniyang partisipasyon sa high-level general debate ng 77th United Nations General Assembly o UNGA, binigyang-diin ng Pangulo ang mga naging kontribusyon ng Pilipinas sa pagpo-promote ng kapayapaan at hustisya.
Naniniwala ang Pangulo na anumang alitan sa pagitan ng mga bansa ay maaaring resolbahin sa mapayapang paraan.
Muli ring binigyang-diin ng Pangulo na ang Pilipinas ay mananatiling kaibigan ng lahat at hindi kaaway.
Eden Santos