Koreanong wanted sa kasong swindling, natimbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration
Natimbog ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang Koreanong wanted sa kasong swindling.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, naaresto ng BI fugitive search unit operatives ang sisentay anyos na si Kim Youngho sa kanyang tahanan sa Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City.
Mahigit dalawang taon nang nagtatago sa bansa si Kim.
Nasa red notice list ng interpol ang dayuhan dahil sa warrant of arrest na ipinalabas ng korean court laban dito.
Batay sa impormasyon mula sa Korean embassy, si Kim ay nagma-mayari ng Futures Trading Company sa Korea.
Nakipagsabwatan ang pugante sa dalawang iba pang suspek para makapaggantso sa kapwa Koreano ng mahigit 137 million won o halos 122 thousand us dollars.
Pinangakuan nito ang biktima na i-invest ang kanyang salapi sa kanyang kumpanya at magti-triple ang halaga nito.
Nakaditene na sa BI Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig si kim kung saan idedeport din siya pabalik sa Korea.
Ulat ni: Moira Encina