Korte Suprema ibinasura ang apela para sa manu- manong recount sa resulta ng botohan sa Pangasinan noong 2022 elections
Walang nakitang batayan ang Korte Suprema sa hiling na magsagawa ng manual recount sa resulta ng halalan sa Pangasinan noong 2022 Elections.
Ito ang sinabi ng Supreme Court sa desisyon nito na nagbasura sa petisyon ng isang grupo ng mga botante laban sa Commission on Elections.
Ayon sa SC, kailangan na may actual case o controversy para magamit nito ang kapangyarihan nito na judicial review.
Paliwanag pa ng Korte Suprema, walang paglabag sa karapatang bumoto ng petitioners dahil nakaboto sila noong May 9 elections.
Sinabi pa sa ruling na walang patunay ng mga manipulasyon at anomalya sa eleksyon na humadlang para mabilang ang mga boto ng petitioners.
Una nang nagsumite ng signature campaign petition sa poll body ang petitioners na kumukuwestiyon sa resulta ng eleksyon sa buong lalawigan ng Pangasinan noong 2022.
Moira Encina