Korte Suprema ibinasura ang mga petisyon laban sa proklamasyon ng Comelec sa Duterte Youth Partylist
Walang nakitang paglabag ang Korte Suprema sa proklamasyon ng Comelec sa Duterte Youth Partylist at sa kinatawan nito na si Ducielle Cardema.
Sa isang pahinang notice ng Supreme Court en banc, ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon ng mga grupo ng mga kabataan laban kina Cardema.
Ayon sa SC, walang grave abuse of discretion sa panig ng poll body sa mga inilabas nitong resolusyon na nagpoproklama sa Duterte Youth Partylist at Cardema.
Sinabi pa ng Korte Suprema na lumalabas na alinsunod ito sa mga applicable law and facts at mga jurisprudence.
Pinaratangan ng mga petitioners ang Comelec na pinaikutan ang mga batas sa pagbigay ng mga pabor sa Duterte Youth para ito makalusot.
Moira Encina